Tuesday, January 1, 2008

challenges

tapos na ang 2007. looking back, iniisip ko na pinakamabigat in terms of challenges ang nakaraang taon para sa akin. november 30, 2006 nang tamaan kami ng bagyong Reming at ang epekto ay hanggang 2007. bukod dito, ito ang mga challenges sa akin last year:

1. muntik nang hindi nakabalik sa saudi. January 5 nang malaman ko na ipinasara ng POEA ang agency na magpa-process ng deployment ko. imagine ang panlulumo ko nang pagdating sa agency, nakasarado na ito at nakadikit ang pulang sticker ng POEA na may: "closed for illegal recruitment." buti na lang, mabait ang employer at naiayos din ang processing through another agency. lumaki ang gastos ko dahil kailangan ko ulit magpa-medical.

2. inatake si maderes. wala pa akong isang buwan dito nang inatake ng hypertension si mader. three days syang walang malay sa hospital at naubos ang puhunan ng tindahan nang ito ang ipinambayad sa hospital bills. siempre pa, kailangang ibalik ang puhunan ng tindahan.

3. siningil ako ni ex-. noong wala akong pirmihang trabaho sa Pinas, nagpapadala ng pera si ex-. yung iba, hiniram ko talaga, pero meron din naman syang ibinigay kahit hindi ako humihingi. ang siste, siningil nya ako for everything. nakabayad naman ako dahil binigyan nya ako ng discount, pero ang sakit ng dating nito sa akin (nabawasan ang respeto ko sa kanya).

4. nagkasakit ako. throat infection lang 'yon (kung anu-ano daw kasi ang isinusubo, sabi ni Ken) pero for five days, ayaw tumalab ng antibiotics. na-praning ako. akala ko AIDS na (p***-**a! saan ko 'to nakuha?) buti na lang, na-identify sa ospital ang problema at ang ending: goodbye gall bladder.

No comments: