Monday, January 14, 2008

lipat-bahay

mahirap talaga maglipat-bahay. problema mo ang pagbaklas ng mga gamit, pagbubuhat, tapos re-assemply. pero siempre, may mga pagkakataon na kailangan talaga lumipat ng bahay. sa loob ng 10 buwan ko dito sa jeddah, nakatatlong bahay na kami.

ang penthouse. ang una naming bahay, nasa rooftop ng isang three storey building na parang kasing-tanda ko na kaya naaagnas ang mga plaster ng dingding. maganda sa unang tingin. mayroong maliit na taniman ng kangkong atbp gulay sa gilid nya. malawak ang palibot para pagsampayan (actually, may badminton court pa kami sa tabi).

ang problema lang talaga kapag rooftop, paborito kayong dalawin ng pusa (kaya palaging hindi kaaya-aya ang amoy ng paligid). kailangan ding araw-araw makipagpatintero sa mga satellite dish (balita ko pa, nakakabaog daw ito). at kapag humangin, lahat ng alikabok sagap ng aming flat.

pero ang pinakamasaklap sa flat na ito (at sa buong building), 3 - 4 araw na walang tubig sa isang linggo. Nung minsan, naubos talaga ang naipon namin naobliga kaming bumili ng tig-iisang 6-gallon mineral water para makapaligo. sossy! pero ansakit sa bulsa...

ang mansion. kaya lumipat kami sa isang hotel. mas sossy sabi tuloy ng tropa. may 24 hour security at provided ang furnitures including sofa, study table and beds (goodbye muna sa metal beds at cheapy foam mattreses). higit sa lahat, libre ang tubig at kuryente. Sagana nga kami sa tubig. mayroon ding gym ang hotel kaya tuluy-tuloy ang workout.


kaso, palibhasa basement, ambaba ng ceiling (kaya mapagpala talaga ang Panginoon kasi if I was taller than my actual height, araw-araw akong mauuntog). standard kasi sa mga residential buildings dito na ang ground level ay parking area and/or staff housing for drivers (unlike sa Pinas na super priority ang ground level). kung ano ang koneksyon ng baba ng ceiling sa pagiging driver, hindi ko rin ma-gets pero obviously, walang Arabo na gugustong tumira sa ganitong flat.

isa pang ayaw ko, may ka-share ako sa room (check-out my roomie episode). kapag may roommate, siempre off-limits ang gumawa ng milagro (na hindi ko pwedeng hindi gawin). at siempre kapag gumagawa ka ng milagro, hindi pwedeng maingay (na hirap na hirap akong gawin, kasi very expressive ako sa ganun).

hindi rin pwedeng magsama ng friends para mayroon kang kalaro sa paggawa ng milagro. ang hirap kaya nun. kaya go... lipat-bahay ulit.

finally... my own space. dahil hindi pa ako pwedeng magbuhat ng mabigat due to the operation on my gallbladder, kailangan kong abalahin ang madaming tao (tatlo lang naman sila) and I was really thankful for them (my fraternity brods, t2 FP, t2 EV at t2 JN).


eto na ngayon ang aking own personal space. kaso, balik ako sa metal bed na mistulang bed ng ospital at mattress na numinipis sa bawat gabi na nahihigaan. at dahil inubos ng rent ang budget (mahal ang flat sa area na ito), hindi pa nakabili man lang ng furniture kaya pwedeng maglagay ng skating rink sa laki ng sobrang space.

buti na lang nakabili na ako ng carpet. pero kailangan pang bumili ng kurtina at i-repaint ang room. i would also need my own computer table, sofa, plasma tv and internet connection. i wonder who's willing to give all of it as a gift. hmmm...


No comments: