Tumitig ang buwan
malungkot, malamlam
ang iyong mga mata:
noon, hindi ko pa unawa.
Ulan ng liwanag
malungkot, malamlam
ang iyong mga mata
humahaplos sa aking mukha.
Kagampan nang ating sadyain
kadawagan ng hatinggabi,
upang sisirin ang balong ng dalita
sa ating katauhan
at ito'y tuyuin ng paninindigan.
Ngunit ngayon...
Kinuha ka na ng buwan
malungkot, malamlam
at hindi na babalik pa:
haplos na lamang sa hatinggabi.
~ tula ni A. Mangampo Ociones
~ nilikha noong 1992.
Tuesday, March 18, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment