Tuesday, January 22, 2008
limos
sa dampi ng hamog, nag-aabang
hanggang takip-silim, walang dumating
~ tula ni A. Mangampo Ociones
~ nilikha sa riyadh, saudi arabia. 2005.
Monday, January 14, 2008
lipat-bahay
ang problema lang talaga kapag rooftop, paborito kayong dalawin ng pusa (kaya palaging hindi kaaya-aya ang amoy ng paligid). kailangan ding araw-araw makipagpatintero sa mga satellite dish (balita ko pa, nakakabaog daw ito). at kapag humangin, lahat ng alikabok sagap ng aming flat.
pero ang pinakamasaklap sa flat na ito (at sa buong building), 3 - 4 araw na walang tubig sa isang linggo. Nung minsan, naubos talaga ang naipon namin naobliga kaming bumili ng tig-iisang 6-gallon mineral water para makapaligo. sossy! pero ansakit sa bulsa...
ang mansion. kaya lumipat kami sa isang hotel. mas sossy sabi tuloy ng tropa. may 24 hour security at provided ang furnitures including sofa, study table and beds (goodbye muna sa metal beds at cheapy foam mattreses). higit sa lahat, libre ang tubig at kuryente. Sagana nga kami sa tubig. mayroon ding gym ang hotel kaya tuluy-tuloy ang workout.
kaso, palibhasa basement, ambaba ng ceiling (kaya mapagpala talaga ang Panginoon kasi if I was taller than my actual height, araw-araw akong mauuntog). standard kasi sa mga residential buildings dito na ang ground level ay parking area and/or staff housing for drivers (unlike sa Pinas na super priority ang ground level). kung ano ang koneksyon ng baba ng ceiling sa pagiging driver, hindi ko rin ma-gets pero obviously, walang Arabo na gugustong tumira sa ganitong flat.
isa pang ayaw ko, may ka-share ako sa room (check-out my roomie episode). kapag may roommate, siempre off-limits ang gumawa ng milagro (na hindi ko pwedeng hindi gawin). at siempre kapag gumagawa ka ng milagro, hindi pwedeng maingay (na hirap na hirap akong gawin, kasi very expressive ako sa ganun).
hindi rin pwedeng magsama ng friends para mayroon kang kalaro sa paggawa ng milagro. ang hirap kaya nun. kaya go... lipat-bahay ulit.
finally... my own space. dahil hindi pa ako pwedeng magbuhat ng mabigat due to the operation on my gallbladder, kailangan kong abalahin ang madaming tao (tatlo lang naman sila) and I was really thankful for them (my fraternity brods, t2 FP, t2 EV at t2 JN).
eto na ngayon ang aking own personal space. kaso, balik ako sa metal bed na mistulang bed ng ospital at mattress na numinipis sa bawat gabi na nahihigaan. at dahil inubos ng rent ang budget (mahal ang flat sa area na ito), hindi pa nakabili man lang ng furniture kaya pwedeng maglagay ng skating rink sa laki ng sobrang space.
buti na lang nakabili na ako ng carpet. pero kailangan pang bumili ng kurtina at i-repaint ang room. i would also need my own computer table, sofa, plasma tv and internet connection. i wonder who's willing to give all of it as a gift. hmmm...
Wednesday, January 2, 2008
Tuesday, January 1, 2008
blessings
the past year of the fire pig was not favorable for saggitarians born on the year of the dog na tulad ko. pero dahil hindi ako naniniwala sa horoscope(s), i feel blessed in 2007. here's why:
1. more or less stable finances. despite the financial troubles, ang paglipad ko finally papunta dito sa disyerto is a sense of stability. hindi ako nagkaroon ng malaking financial growth, at least, wala kaming anumang accounts payable ni ermats by the end of the year. zero-balance kumbaga.
2. better employer. blessing talaga ang workplace na napasukan ko. malayong-malayo ito sa dati kong work. period!
3. lost weight. i really lost weight. imagine 70 kilos ako sa medical report January last year, ngayon average na lang ako ng 62 kilos. bad trip lang, kahit namayat ako, yung tyan ko ganun pa rin.
4. gained more friends. my concentric (o eccentric) circles of friends is ever widening. i really thank God for their company. di ko na sasabihin kung sinu-sino sila pero alam kong alam na nila kung sino sila. kung saan-saan namin napulot ang isa't-isa: sa kapatiran, sa samahan; sa yahoogroups, pic-link at friendster; sa trabaho, sa kalye, sa remittance center...
5. internet-lovers. ano bang meron ang profile ko sa friendster at maya't-maya merong magme-message na gusto daw nila ako? (geez, ang yabang! hehehehe... ;P) kidding aside, they are such a blessing for they brighten the otherwise drab days.
6. probably found the love of my life. tingin ko, nakita ko na din sa wakas ang aking love of my life. mabait sya, thoughtful, masipag, masarap magluto, may sense of humor, hindi abusado, loyalty... ibang usapan na kung nakita na din nya ako, pero at least kung sakali mang maghahanap sya ng mapapangasawa, alam ko na kung saan ko ibabalandra ang sarili ko para ako lang ang matatagpuan nya. mwahahahahaha!
o sya, matatapos na ang first day ng 2008.
wish-list naman sa susunod.
challenges
Tuesday, December 25, 2007
pasko, paksiw
its 1:59 PM in Pinas, 8:59AM here in saudi arabia.
sa wakas nakausap ko din ang sister ko, a few minutes back. si ermat at si utol na bunso ay natutulog daw, siguro napuyat kakahintay sa tawag ko na kahit anong gawin ko, hindi makalusot. akala ko ba walang pera ang mga tao sa Pinas, pero bakit busy ang lahat ng linya. kunsabagay, sigurado din ako na lahat ng tawag na iyon, incoming.
kagabi, nung 12mn ng Christmas Eve sa atin (7pm naman dito), papunta ako sa ospital para tanggalin ang dressing sa mga sugat ko. huling appointment ko na sa doctor na nagtanggal ng gall bladder ko nung 17th. siempre, nag-iisa na naman ako.
solo ako nung ipasok ko ang sarili ko sa ospital para sa operasyon. halos solo-solo din ako dun sa mahigit 36 hours na nagpapagaling ako sa ospital maliban na lang nung dumalaw ang dalawang kaopisina pagkatapos ng trabaho nung 17th at nung ihatid ako pauwi ng kapatirang Singles nung 18th. pero ganito naman talaga ang buhay dito sa saudi. kailangan masanay na sa pag-iisa.
kagabi din, nagluto ng pancit bihon ang mga ka-flat para daw sa Noche Buena pero nag-iisa lang akong kumain -- kasi yung dalawa nangapit-bahay kung saan madami raw ang handa; yung isa naman, busy sa harap ng laptop nya- nagbo-boggle supreme.
buti na lang, dumaan si Ken, me hatak-hatak pa na dalawang Bikolano na noon ko lang nakita. ang ending, naubos ang pancit at samoli na inihain nina flatmate. well, at least jeje, me nakausap ako habang kumakain.
hanggang sa opisina, mabigat ang pakiramdam ng Pasko. sarado ang apat na executive office na nakapalibot sa akin, maliban dun sa praning na executive na kinakausap ang sarili habang nagtse-check ng daily bank position. alam ba nilang araw ng Pasko ngayon? malay naman nila e Muslim silang lahat.
mabuti pa kila reynz, pwedeng-pwede na mag-senti with full dramatic effect: tatanawin ang nahuhulog na snow sa bintanang foggy dahil sa lamig habang nagki-click ang apoy sa fireplace at tumutugtog ang radio:
"chestnut roasting on an open pyre
jack frost nipping up your nose...
yuletide carolers being strung on a wire,
and folks dressed like Eskinol...
everybody knows a turkey eats some mistletoe
to make the season bright;
tiny tots with their eyes all a-glow...
you'll find it hard to sleep tonight..."