Lagi kong pinagmamasdan
ang lalaki sa kabila ng kalsada.
Siya, na ang matatag na tindig
balaning umaakit ng pagtatangi
sa mata kong umaapuhap ng silahis
malikmatang araw sa asero
lumalabay na bisig niyang
buong buo, hindi tulad ko:
Binibilang ang bawat pitik sa dibdib
sa mga sasakyang yumayao't
parito sa lansangan.
Lumulutong bawat niyang halakhak
pagsilip ng ngiti sa maamong mukha
ng babaeng kasama niya roon palagi,
halik sa siphayong pumipintig
ang tinig niyang lumulunod
Sa magaspang na pag-ungol
ng bawat sasakyang umarangkada
papalayo sa akin.
At habang kanyang kinakalong
panganay ng pakikipagtalad sa mga ulap
nag-aanyaya bawat niyang ngiti
pinatingkad ng sikat ng araw
sa nangungusap niyang mga mata
habang lumalabo ang aking paningin
Nilalambungan ng makapal na usok na naiiwan
ng bawat sasakyang pumapaspas na lumisan.
Maiksi lamang ang pagitan palapit
Ang lalaki sa kabila ng kalsada
nitong aking pagkatao
Ngunit sa bawat kong pagpupumilit na humakbang
hinihila akong pabalik ng aking karuwagan
nililigis, dinudurog sa sementong lansangan
Upang sa aking kanlungan ako'y muling
mapaatras.
~ tula ni a.m. ociones
~ nilikha sa Victory Bus Terminal (Quezon City), 1997
Showing posts with label kalunsuran. Show all posts
Showing posts with label kalunsuran. Show all posts
Saturday, July 28, 2007
Friday, July 6, 2007
caffeine shock
we meet somewhere, somehow
and over coffee we sipped
each minute by; our eyes
lock, we kiss, embraced
hot brew that brimmed
over the cup, in our hands -
heat is the rush caffeine
in your lips, sugar on your hips
cream on your bosom -
drowned the din that was
the net, as if
we have known each other
for a lifetime. until
we've finally met face to face
somewhere, somehow
and facing the bottom of the cup
realized
there won't be any refills.
~ tula ni a.m. ociones
~ nilikha sa riyadh, september 2004
and over coffee we sipped
each minute by; our eyes
lock, we kiss, embraced
hot brew that brimmed
over the cup, in our hands -
heat is the rush caffeine
in your lips, sugar on your hips
cream on your bosom -
drowned the din that was
the net, as if
we have known each other
for a lifetime. until
we've finally met face to face
somewhere, somehow
and facing the bottom of the cup
realized
there won't be any refills.
~ tula ni a.m. ociones
~ nilikha sa riyadh, september 2004
Subscribe to:
Posts (Atom)