Wednesday, January 2, 2008

blog rationale

This summary is not available. Please click here to view the post.

Tuesday, January 1, 2008

blessings

after ng challenges, blessings naman.

the past year of the fire pig was not favorable for saggitarians born on the year of the dog na tulad ko. pero dahil hindi ako naniniwala sa horoscope(s), i feel blessed in 2007. here's why:

1. more or less stable finances. despite the financial troubles, ang paglipad ko finally papunta dito sa disyerto is a sense of stability. hindi ako nagkaroon ng malaking financial growth, at least, wala kaming anumang accounts payable ni ermats by the end of the year. zero-balance kumbaga.

2. better employer. blessing talaga ang workplace na napasukan ko. malayong-malayo ito sa dati kong work. period!

3. lost weight. i really lost weight. imagine 70 kilos ako sa medical report January last year, ngayon average na lang ako ng 62 kilos. bad trip lang, kahit namayat ako, yung tyan ko ganun pa rin.

4. gained more friends. my concentric (o eccentric) circles of friends is ever widening. i really thank God for their company. di ko na sasabihin kung sinu-sino sila pero alam kong alam na nila kung sino sila. kung saan-saan namin napulot ang isa't-isa: sa kapatiran, sa samahan; sa yahoogroups, pic-link at friendster; sa trabaho, sa kalye, sa remittance center...

5. internet-lovers. ano bang meron ang profile ko sa friendster at maya't-maya merong magme-message na gusto daw nila ako? (geez, ang yabang! hehehehe... ;P) kidding aside, they are such a blessing for they brighten the otherwise drab days.

6. probably found the love of my life. tingin ko, nakita ko na din sa wakas ang aking love of my life. mabait sya, thoughtful, masipag, masarap magluto, may sense of humor, hindi abusado, loyalty... ibang usapan na kung nakita na din nya ako, pero at least kung sakali mang maghahanap sya ng mapapangasawa, alam ko na kung saan ko ibabalandra ang sarili ko para ako lang ang matatagpuan nya. mwahahahahaha!

o sya, matatapos na ang first day ng 2008.
wish-list naman sa susunod.

challenges

tapos na ang 2007. looking back, iniisip ko na pinakamabigat in terms of challenges ang nakaraang taon para sa akin. november 30, 2006 nang tamaan kami ng bagyong Reming at ang epekto ay hanggang 2007. bukod dito, ito ang mga challenges sa akin last year:

1. muntik nang hindi nakabalik sa saudi. January 5 nang malaman ko na ipinasara ng POEA ang agency na magpa-process ng deployment ko. imagine ang panlulumo ko nang pagdating sa agency, nakasarado na ito at nakadikit ang pulang sticker ng POEA na may: "closed for illegal recruitment." buti na lang, mabait ang employer at naiayos din ang processing through another agency. lumaki ang gastos ko dahil kailangan ko ulit magpa-medical.

2. inatake si maderes. wala pa akong isang buwan dito nang inatake ng hypertension si mader. three days syang walang malay sa hospital at naubos ang puhunan ng tindahan nang ito ang ipinambayad sa hospital bills. siempre pa, kailangang ibalik ang puhunan ng tindahan.

3. siningil ako ni ex-. noong wala akong pirmihang trabaho sa Pinas, nagpapadala ng pera si ex-. yung iba, hiniram ko talaga, pero meron din naman syang ibinigay kahit hindi ako humihingi. ang siste, siningil nya ako for everything. nakabayad naman ako dahil binigyan nya ako ng discount, pero ang sakit ng dating nito sa akin (nabawasan ang respeto ko sa kanya).

4. nagkasakit ako. throat infection lang 'yon (kung anu-ano daw kasi ang isinusubo, sabi ni Ken) pero for five days, ayaw tumalab ng antibiotics. na-praning ako. akala ko AIDS na (p***-**a! saan ko 'to nakuha?) buti na lang, na-identify sa ospital ang problema at ang ending: goodbye gall bladder.

Tuesday, December 25, 2007

pasko, paksiw

merry christmas, jeje. miss na miss kita.
its 1:59 PM in Pinas, 8:59AM here in saudi arabia.

sa wakas nakausap ko din ang sister ko, a few minutes back. si ermat at si utol na bunso ay natutulog daw, siguro napuyat kakahintay sa tawag ko na kahit anong gawin ko, hindi makalusot. akala ko ba walang pera ang mga tao sa Pinas, pero bakit busy ang lahat ng linya. kunsabagay, sigurado din ako na lahat ng tawag na iyon, incoming.

kagabi, nung 12mn ng Christmas Eve sa atin (7pm naman dito), papunta ako sa ospital para tanggalin ang dressing sa mga sugat ko. huling appointment ko na sa doctor na nagtanggal ng gall bladder ko nung 17th. siempre, nag-iisa na naman ako.

solo ako nung ipasok ko ang sarili ko sa ospital para sa operasyon. halos solo-solo din ako dun sa mahigit 36 hours na nagpapagaling ako sa ospital maliban na lang nung dumalaw ang dalawang kaopisina pagkatapos ng trabaho nung 17th at nung ihatid ako pauwi ng kapatirang Singles nung 18th. pero ganito naman talaga ang buhay dito sa saudi. kailangan masanay na sa pag-iisa.

kagabi din, nagluto ng pancit bihon ang mga ka-flat para daw sa Noche Buena pero nag-iisa lang akong kumain -- kasi yung dalawa nangapit-bahay kung saan madami raw ang handa; yung isa naman, busy sa harap ng laptop nya- nagbo-boggle supreme.

buti na lang, dumaan si Ken, me hatak-hatak pa na dalawang Bikolano na noon ko lang nakita. ang ending, naubos ang pancit at samoli na inihain nina flatmate. well, at least jeje, me nakausap ako habang kumakain.

hanggang sa opisina, mabigat ang pakiramdam ng Pasko. sarado ang apat na executive office na nakapalibot sa akin, maliban dun sa praning na executive na kinakausap ang sarili habang nagtse-check ng daily bank position. alam ba nilang araw ng Pasko ngayon? malay naman nila e Muslim silang lahat.

mabuti pa kila reynz, pwedeng-pwede na mag-senti with full dramatic effect: tatanawin ang nahuhulog na snow sa bintanang foggy dahil sa lamig habang nagki-click ang apoy sa fireplace at tumutugtog ang radio:

"chestnut roasting on an open pyre
jack frost nipping up your nose...
yuletide carolers being strung on a wire,
and folks dressed like Eskinol...
everybody knows a turkey eats some mistletoe
to make the season bright;
tiny tots with their eyes all a-glow...
you'll find it hard to sleep tonight..."

maligaya ang pasko

Merry Christmas everybody!

Monday, December 3, 2007

methane gas

hindi ko alam kung saan nanggaling ito, pero share ko na din sa inyo...

The following bulletin is being issued as a warning due to its explosive nature (especially those residing overseas):

The Glorietta blast is being blamed by our police on methane gas from shit under the old makati supermarket building. Ever since the police made their report known, the world is both laughing and fearing Filipinos, as the people with the most explosive shit in the world.

Scientists from Russia, the US and China are now analyzing the typical Filipino's diet to learn what could produce shit with such an explosive force.

The Harvard Medical School have come out with a preliminary conclusion that it is the strange mixture of bagoong, dinuguan and balot combined that give Filipinos' shit their explosive nature.

Steps are also being discussed among airport managers worldwide to ask Filipinos to empty their colons before boarding planes lest they bring explosive material on board.

In news elsewhere, several Filipinos were kidnapped in Afghanistan and Iraq, supposedly by Arab terrorists. The kidnapped Filipinos are being asked to produce shit to be made into bombs for suicide missions.

The US State Dept fearing deadly consequences from these shit-IED's have assigned Delta Force operatives to keep watch over all Filipinos abroad to prevent any more Filipinos (and their shit) from falling into the hands of terror groups!

Saturday, November 24, 2007

alimuom: intro

alam mo, jeje, nung bata pa ako, kabilin-bilinan ni ina na huwag lalabas ng bahay kapag mainit ang panahon tapos biglang umulan. hindi ba, nilalagyan pa ng vicks ang ilong. kasi daw, sasakit ang tyan, magtatae o kaya lalagnatin kapag nasinghot ang alimuom.

pero nitong huli, iba na ang dating ng alimuom (lalo na nung ako'y nasa kapatagan ng central Luzon). sa gitna ng palayan, habang nakatunganga ka sa loob ng kubo at nagkukuyakoy na nakatanghod sa kabukiran, may kakaibang bango ang singaw ng lupa kapag nabubuhusan ng ulan. hindi na masangsang sa ilong. hindi na nakakasakit ng tyan... bagkus, nakakahalina, nakakawili, nakakalibog... ang alimuom.

at kahit nga dito sa disyerto (kung saan tayo naroon ngayon), para bang mayroon laging pagdiriwang ang tigang na lupa kapag dumarating ang ulan.



siguro, ang tulang ito ang magpapaliwanag ng lahat sa likod ng blog na ito (yun ay kung masasakyan nyo ang ibig kong sabihin).

Alimuom
by andrew mangampo ociones
(1997)

walang imik ang mga pilapil
mahigpit ang halukipkip
sa pinaggapasan, ang sigaw
ng araw, yumayakap
malalalim na bitak
ng tuyong pinitak
bahaw na tinig
ng hiningang sinikil
habang nananatiling
bingi ang hangin
sa bawat na dalangin.

ngunit,
asingaw alimuom ...
ang masuyong humaplos
sa makisig na lalaking
tumawid sa kabukiran
upang isilong

kalabaw, nakasuga
sa paghihintay.

#